50 pamilya nasunugan sa Valenzuela, 2 sugatan
MANILA, Philippines — Isang sunog ang sumiklab Sabado ng gabi sa Valenzuela City kung saan nasa 50 pamilya ang nawalan ng tirahan habang dalawang residente ang sugatan.
Ayon kay Romer Dela Cruz, hepe ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO), umabot sa ikalawang alarma ang sunog na tumupok sa isang residential area sa San Gregorio Street, Brgy. T De Leon, Valenzuela City dahil sa naiwang kandila.
Dahil gawa sa light materials ang mga bahay, mabilis na kumalat ang apoy.
Naging balakid naman sa pagresponde ng mga bumbero ang makikipot at masisikip na daan.
Bagama’t walang naitalang nasawi, dalawang lalaki, edad 32 at 25, ang nagtamo ng paso at gasgas sa katawan.
Tinatayang 30 bahay ang natupok. Pansamantalang nanunuluyan ang mga biktima sa barangay hall.
- Latest

















