^

Metro

Ilang kalsada sa Maynila, sarado bukas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ilang kalsada sa lungsod ng Maynila ang sarado bukas sa daloy ng trapiko kaugnay sa gaganaping Saint Jude Catholic School-Mendiola Consortium: Run for Peace 2026.

Ayon sa Manila City Government, ang aktibidad ay isasagawa sa Linggo, Pebrero 8, 2026, mula 4:00 ng umaga hanggang 8:00 ng umaga.

Kabilang sa mga kalsadang ­isasarado upang bigyang-daan ang aktibidad ay ang Binondo-Intramuros Bridge (southbound lane); Magallanes Drive from Jones Bridge (southbound lane) hanggang Bureau of Immigration; Riverside Drive access beside Manila Post Office; Anda Gate; Victoria Gate; Gen. Luna Gate (Roundtable); at A. Soriano Gate (Anda Circle).

Anang city government, ang mga sasakyang mula sa Jones Bridge na nais dumaan sa Magallanes Drive at Anda Gate papasok ng Intramuros ay maaaring dumiretso sa P. Burgos Avenue hanggang sa kanilang point of destination.

Ang mga public utility jeepneys (PUJs) at iba pang sasakyan na magmumula sa MacArthur Bridge at nais dumaan sa Magallanes Drive - Riverside access ay maaring dumiretso sa P. Burgos Avenue hanggang sa kani-kanilang destinasyon. Ang mga behikulo naman na mula sa Quezon Bridge at nais dumaan sa Victoria Gate papasok ng Intramuros ay maaaring dumiretso sa P. Burgos Avenue hanggang sa kanilang patutunguhan.

Sa mga sasakyan naman na magmumula sa Bonifacio Drive at nagnanais na dumaan sa Soriano Gate papasok ng Intramuros ay maaaring dumiretso sa Bonifacio Drive, kanan sa Recto Avenue hanggang sa kanilang point of destination.

Kaugnay nito, pinayuhan din ng lokal na pamahalaan ang mga motorista na planuhin ang kanilang biyahe at dumaan sa mga alternatibong ruta upang maiwasan ang abala.

DRIVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with