Dalagitang may pekeng passport naharang sa NAIA

MANILA, Philippines — Isang menor-de-edad na pasahero ang nasagip sa illegal recruitment para magtrabaho sa Saudi Arabia, nang matukoy na pekeng passport ang dala nito, sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, ayon sa Bureau of Immigration (BI).
Ayon kay BI Commissioner Anthony Viado, ang 17-anyos na si alyas “Zia” na nagmula sa Maguindanao del Sur, patungo sa Dubai, United Arab Emirates, para magtungo sa Saudi Arabia bilang kasambahay, at pasakay na sa Philippine Airlines flight noong Enero 24, nang harangin. Sa imbestigasyon, natukoy na isang recruitment agency sa Pasay City ang responsable sa mga paglabag.
Agad namang nakipag-ugnayan ang BI sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) kung saan itinurn-over ang dalagita at tulungan sa pagbuo ng reklamong isasampa laban sa recruitment agency.
“We will continue to stop these schemes at our airports and make sure victims are protected, while perpetrators face the full force of the law,” ani Viado.
- Latest
















