2 Most Wanted sa Las Piñas at Makati, timbog
Patung-patong na rape case
MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang lalaki na kapwa itinuturing na Top 2 Most Wanted dahil sa patung-patong na kaso ng rape sa magkahiwalay na operasyon sa Las Piñas at Makati City, nitong Huwebes.
Alas-3:15 ng hapon ng Enero 29, 2026 nang maaresto ang akusadong si alyas “Kishi”, 31, barber, residente ng Brgy. Almanza Dos, ng mga tauhan ng Las Piñas City Police Station (CPS).
Isinilbi ang mga warrants of arrest kay Kishi sa mga kasong rape na inisyu ng Las Piñas Regional Trial Court Branch 275, na may petsang Disyembre 27, 2017 at sexual assault na inisyu ng Branch 255 na may petsang Nobyembre 27, 2024.
Samantala, isang alyas “John”, residente ng Zapote, Las Piñas City na may kasong 5 counts ng rape ang dinakip ng pinagsanib na puwersa ng District Intelligence Division (DID), Intelligence Section of the District Mobile Force Battalion (DMFB), at Makati City Police Station (CPS) sa kanyang bahay alas-3:50 ng hapon ng Enero 29.
Ang 5 warrants of arrest na isinilbi ay inisyu ng Las Piñas City Family Court, National Capital Judicial Region, Branch 2.
Si Kishi ay top 2 most wanted-station level ng Las Piñas CPS habang si John ay top. 2 most wanted-station level ng Makati CPS. Ang warrants of arrest ng dalawa ay parehong nagsasaad na “no bail recommended.”
- Latest






















