Mayor Joy, nasungkit pangatlong Presidential Lingkod Bayan Award

MANILA, Philippines — Sa ikatlong sunod na taon, muling nakamit ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Presidential Lingkod Bayan Award na taunang patimpalak ng Civil Service Commission (CSC) sa mga natatanging public servant na may outstanding performances sa kanilang nasasakupang lugar at propesyon.
Ang Certificate of Recognition mula sa CSC ay bahagi ng 2025 Search for Outstanding Government Workers Honor Awards Program (HAP).
“Bilang pagkilala sa serbisyo sa ating alkalde para sa buong lungsod Quezon — anuman ang estado sa pamumuhay, kasarian, relihiyon, kulay. Sa QC, tunay na kasama ang lahat sa pag-unlad. Sa QC, tuluy-tuloy lang po ang ating pagsulong ng good governance” ayon sa post ng QC LGU.
Sa ilalim ng pamunuan ni Belmonte, pinaigting nito ang mga social services program sa QC particular ang health program, edukasyon, imprastraktura, livelihood programs para sa QCitizens at iba pang mga programa bilang pinaka maunlad na lungsod sa bansa.
Sa nakalipas na limang sunud-sunod na taong termino ni Belmonte, ang QC ay tumanggap ng ‘unqualified opinion’, isang highest audit rating mula sa Commission on Audit (COA) na ibig sabihin ay ang pinagkakagastusan ng QC LGU ay nailalaan sa tamang pagkakagastusan, walang nasasayang at tunay na napapakinabangan ng QCitizens.
- Latest


















