5 baril ni Atong Ang isinuko sa PNP

MANILA, Philippines — Makaraang bawiin ng Philippine National Police-Firearms and Explosives Office (FEO) ang mga lisensiya ng kanyang baril, limang baril ng gaming tycoon na si Charlie “Atong” Ang ang isinuko kahapon sa Mandaluyong Police Station.
Sa liham nitong Enero 20, 2026 kay PBGen. Jose DJ Manalad Jr., Officer in Charge (OIC) ng FEO, ipinaliwanag ng abogado ni Ang na si Atty. Gabriel Villareal na ang mga baril ng kanyang kliyente ay kusang-loob na isinuko sa Mandaluyong Police Station.
Ang pagsuko ng mga baril ay alinsunod sa direktiba ng PNP at hindi isinusuko ng kanyang kliyente ang anumang karapatan o legal na remedyo na maaari niyang igiit sa ilalim ng batas.
Kabilang sa mga isinukong baril ang isang Colt rifle na 5.56 caliber, Glock 9mm, Sig Sauer 9mm, Smith & Wesson .38 caliber, at isang Battle Arms Development (BAD) 9mm pistol.
Samantala, hindi kasama sa mga isinukong baril ang isa pang lisensyadong armas ni Ang na .260 caliber BAD rifle, dahil ito umano ay nawala pa noong Oktubre 2025.
- Latest


















