^

Metro

Aroganteng Russian vlogger, idineport ng BI!

Butch Quejada, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Aroganteng Russian vlogger, idineport ng BI!
Ang Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy, habang sumasailalim sa proseso makaraang ipatapon ng Bureau of Immigration pabalik sa kanilang bansa nitong Enero 17.
BI photo

Nang-harass ng sekyu sa BGC, nangmura ng Pinay

MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Bureau of Immigration (BI) na tuluyan nang na-deport patungong Russia ang vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy, 33, noong ­Enero 17.

Si Zdorovetskiy, na umani ng galit mula sa mga netizens na Pilipino, ay unang inaresto ng mga intelligence operatives ng BI noong Abril ng nakaraang taon matapos mag-viral sa social media dahil sa pangha-harass niya sa mga Pilipino sa Bonifacio Global City (BGC). Iniutos ng BI Board of Commissioners ang deportasyon ng Russian vlogger noong Disyembre 17 at idineklarang siya ay isang undesirable alien.

Kilala si Zdorovetskiy sa kanyang mga prank na ipino-post niya sa social media. Nairekord niya ang sarili habang hina-harass ang isang security guard, nagmumura sa isang Filipina na nakasuot ng face mask, nagnanakaw ng heavy-duty na electric fan, at inaagaw ang isang traysikel na kalaunan ay ibinangga niya sa isang nakaparadang dyip.

Sa isinagawang inquest proceedings, inamin ni Zdorovetskiy ang mga ginawang pangha-harass. Siya ay ikinulong sa pasilidad ng BI wardens sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig. Una siyang nag-apply ng piyansa ngunit agad itong tinanggihan ng Bureau.

“Nang-harass at pinahiya ng respondent­ ang ilang Pilipino. Ginulo rin niya ang kapayapaan at kaligtasan ng publiko. Gumawa siya ng mga kilos na salungat sa moralidad, mabuting kaugalian, at pampublikong polisiya, kaya’t siya ay itinuturing na isang hindi kanais-nais na dayuhang mamamayan,” ayon sa nakasaad sa kautusan ng kanyang deportasyon.

Sumakay si Zdo­rovetskiy sa isang IrAero flight na direktang bumiyahe patungong Irkutsk, Russia.

“Isinama na ang kanyang pangalan sa blacklist ng BI kasabay ng kanyang deportasyon,” pahayag ni BI Commissioner Joel Anthony Viado.

BI

VITALY ZDOROVETSKIY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with