Publiko pinag-iingat sa pekeng accounts ng DMW chief

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Department of Migrant Workers (DMW) ang publiko laban sa mga pekeng accounts na nagpapanggap na si Secretary Hans Leo Cacdac sa messenger at viber gamit ang pangalan at larawan nito.
“Nauunawaan namin ang kagustuhan ng ating mga OFWs na makausap at makalapit sa pamahalaan. Paalala po na may mga mananamantala sa tiwalang ito. Ang DMW ay nakikipag-ugnayan lamang sa pamamagitan ng opisyal at beripikadong channels,” ayon sa DMW.
Pinayuhan rin naman ng DMW ang publiko na sakaling makatanggap ng mensahe mula sa mga naturang pekeng accounts ay huwag na lamang replayan ang mga ito at huwag ring magbigay ng anumang personal na impormasyon.
Mahigpit rin ang paalala ng ahensiya sa mga OFWs na huwag magpadala ng pera sa mga naturang fake accounts at sa halip ay kaagad na i-block at i-report ang mga ito sa kinauukulan para sa agarang aksiyon.
- Latest


















