^

Metro

MPD, may persons of interest sa 2 batang naputukan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May persons of inte­rest na ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) kaugnay ng kaso ng pagkamatay ng isang paslit at pagkasugat ng kanyang kaibigan dahil sa napulot na paputok sa Tondo, Manila.

Gayunman, tumanggi muna silang isapubliko ito habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

Pinag-aaralan na rin umano ng MPD kung magsasampa ng mga kasong kriminal kaugnay sa naturang insidente.

Matatandaang Dis­yembre 28, 2025 ng gabi nang maganap ang insidente malapit sa panulukan ng Lorenzo St. at Jose Abad Santos ­Avenue sa Tondo.

Batay sa ulat ng MPD, naglalakad lamang sa lugar ang dalawang batang lalaki, na kapwa 12-anyos lamang, nang mapulot nila ang hinihinalang paputok.

Sinasabing sinindihan umano ng isa sa mga bata ang napulot na paputok, gamit ang isang disposable lighter.

Dahil dito, sumabog ang paputok na agarang ikinasawi ng isa sa mga biktima at ikinasugat naman ng isa pa.

Ang nasugatang biktima ay kasalukuyan nang naka-confine sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center at nilalapatan ng kaukulang lunas.

Narekober naman ng mga pulis sa pinangyarihan ng insidente ang isang disposable lighter at ilang bahagi ng paputok na ginamit ng mga biktima.

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with