Firecrackers, fireworks display zone italaga
Mayor Along sa mga Barangay Chairman
MANILA, Philippines — Upang matiyak ang kaligtasan ng mga Batang Kankaloo, inutos ni Caloocan City Mayor Gonzalo Dale “Along” Malapitan sa mga punong barangay sa lungsod ang pagtatalaga ng ligtas at maayos na firecrackers at fireworks display zones bilang paghahanda sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon kay Malapitan, nakasaad sa Executive Order No. 040-24 na obligadong magtakda ang bawat barangay ng itinalagang lugar para sa fireworks display para matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
Kailangan lamang na ipaalam ng mga barangay ang eksaktong address, petsa, at oras ng fireworks display, gayundin ang mga safety at security protocols na dapat sundin.
Dagdag pa ni Malapitan, dapat na siguraduhin ng mga barangay officials na gampanan ang kanilang tungkulin para sa payapa at ligtas na pagdiriwang ng Bagong Taon sa lungsod.
Apela naman ng alkalde sa mga Batang Kankaloo na sumunod sa regulasyon para sa kanilang kaligtasan.
- Latest


















