3 ‘tulak’ timbog sa Valenzuela

MANILA, Philippines — Tatlong ‘tulak’ ang dinakip sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Valenzuela City Police nitong Biyernes ng madaling araw.
Sa report ni Valenzuela Police Chief PCol. Joseph Talento kay Northern Police District (NPD) PBGen. Christopher Dela Cruz, nakilala ang mga suspek na sina alyas “Maribel”, 47, ng Brgy. Canumay West; alyas “Tirso”, 46, truck driver ng Lingunan at alyas “Ferdi”, move it driver ng Meycauayan, Bulacan.
Batay sa report, nakatanggap ng impormasyon ang Valenzuela City Police hinggil sa transaksiyon ng mga suspek.
Inatasan ni PLt. Sherwin Dascil, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng beripikasyon hinggil sa pagkakasangkot sa pagpapakalat ng illegal na droga ni Maribel sa Assumption Bypass Rd., Canumay West.
Dakong alas-3:15 ng madaling araw nang maaktuhan ng mga operatiba ng SDEU si Maribel na may iniabot na tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu kay Tirso at Ferdi na dahilan ng pagkakaaresto sa kanila.
Nakumpiska kay Maribel ang dalawang P500 bills; sang plastic sachet ng shabu, P50 bill, motorsiklo, driver’s license at cellphone kay Tirso habang isang plastic sachet ng shabu, P50 bill, cellphone, motorsiklo at driver’s license kay Ferdie.
Sinampahan ng kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.
- Latest

















