^

Metro

13-anyos ‘inabuso’ ng amain

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang construction worker na top 1 most wanted person matapos umanong gahasain ang kanyang 13-taong gulang na stepdaughter sa loob ng isang taon sa Pasig City.

Si alyas “Onyok”, 57, ay nadakip sa joint ope­ration ng Pasig City Police Station, katuwang ang Regional Intelligence Unit–National Capital Region (RIU-NCR) at EPD–Eastern District Intelligence Team (EDIT) sa Brgy. Pinagbuhatan noong Lunes, Disyembre 22.

Siya ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng acting presiding judge ng Regional Trial Court, Branch 159, Pasig City, kaugnay ng apat na bilang ng statutory rape sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act No. 11648, at sexual assault.

Ayon sa mga awtoridad, inabuso ng suspek ang kanyang 13-taong gulang na anak na babae mula Mayo 2024 hanggang Hunyo 2025. Dahil sa mga pagbabanta ng suspek, hindi naiulat ng biktima ang pang-aabuso.

Nabatid sa ulat na nadiskubre ang panggagahasa nang mapanood ng kaibigan ng biktima ang isang video na nagpapakita ng mga kahalayan ginawa sa biktima na ipinarating sa ina ng biktima na nasa Davao City.

Humingi ng tulong ang ina para i-report sa pulisya ang pangyayari at mailigtas ang kanyang anak mula sa pang-aabusong ginawa ng suspek.

Ang suspek ay pansamantalang nasa ilalim ng kustodiya ng Pasig City Police Station Custodial Facility Unit.

EDIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with