6 ex-Manila officials kinasuhan ng plunder, graft
P319.3 milyong KASAMA funds
MANILA, Philippines — Anim na mga dating opisyal ng Manila City hall ang kinasuhan ng plunder, graft, malversation, falsification at iba pang kaso kaugnay ng umano’y ‘misuse’ ng higit P319 milyong public funds sa Office of the Ombudsman nitong Martes.
Batay sa reklamong inihain ni Public Employment Service Office (PESO) acting manager John Hiroshi Umeda Jr. sina dating Secretary to the Mayor Marlon Lacson, dating PESO manager Fernan Bermejo, dating Department of Public Services head Jonathan Garzo, dating Liga ng mga Barangay president Leilani Lacuna, PESO staffer Angelika Thea Marie Filamor, at Michael Nicole Roldan, ay nahaharap sa criminal at administrative case dahil sa umano’y kuwestionableng paggasta ng public funds.
Ang pagsasampa ng kaso ni Umeda ay kasunod ng kautusan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na irebisa ang mga PESO records at pagkakadiskubre ng mga nawawalang dokumento at umano’y irregular disbursements ng pondo.
Lumilitaw sa reklamo ni Umeda na ang mga paglabag ng mga dating opisyal ay bunsod ng ipinatupad na KASAMA (Kalinga sa Manileño) Program, na isang pandemic-era employment initiative na nagtuluy-tuloy bagama’t tapos na ang COVID-19 kung saan nagkaroon ng “large-scale cash advances” para umano pampasahod.
Nabatid na ang mga vouchers at checks na umaabot sa P319,369,170 ay nakapangalan sa iilang opisyal at wala sa payroll.
Naniniwala si Umeda na ang mga nabanggit na opisyal ay may direktang partisipasyon sa pagtanggap at pamamahagi ng public funds noong panahon ni dating Manila Mayor Honey Lacuna
Dagdag pa ni Umeda, dapat lamang na papanagutin ang mga dating opisyal sa iligal na paggasta ng pondo ng bayan.
- Latest



















