^

Metro

‘Life’ sa 3 pulis pinagtibay ng SC

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
‘Life’ sa 3 pulis pinagtibay ng SC
The case for violation of domicile filed by Kian’s parents against Police Officers 1 Jerwin Cruz and Jeremias Pereda before the Caloocan metropolitan trial court (MTC) indicates that the convicted killers’ legal woes are far from over, according to rights lawyers.
Michael Varcas

Pagpatay kay Kian delos Santos

MANILA, Philippines — Pinagtibay ng Korte Suprema ang hatol ng mababang hukuman na mabilanggo ng hanggang 40 taon ang tatlong pulis na responsable sa pagpatay sa 17-anyos na si Kian delos Santos noong 2017, sa panahon ng war on drugs ni ­dating pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang desisyon na isinulat ni Associate Justice Jhosep Y. Lopez, napatunayan ng Supreme Court (SC) Second Division na nagkasala sa pagpatay sina Arnel Oares, Jeremias Pereda, at Jerwin Cruz. Pinagbabayad din ng korte ang mga ito ng P275,000 bilang danyos.

Naganap ang pamamaslang noong gabi ng Agosto 16, 2017, na ayon sa mga saksi, ang mga pulis na huminto ay kinapkapan si Kian sa Baesa, Caloocan City. Sa kabila ng pag-iyak at pagmamakaawa na may eksaminasyon siya kinabukasan ay binitbit siya, dinala sa madilim na lugar malapit sa isang ilog, at binaril at nagtamo ng 2 bala sa ulo at 3 sa katawan.

Samantala, binago ng SC ang hatol ng RTC at Court of Appeals (CA) na walang eligibility para sa parole ang mga pulis kahit pinagtibay ang desisyon na lahat ng elemento para sa kasong murder ay nakita partikular ang kawalan ng pagkakataon na ­ipagtanggol ang sarili ng biktima.

Ayon sa SC: “the ­killing of a minor could not be considered standard in this operation” at hindi kasama sa pagganap sa tungkulin ang pumatay.

Gayunman, inalis ng SC sa ipinataw na parusa ang “without eligibility for parole.”

KIAN DELOS SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with