Holiday exodus simula ngayong weekend - TRB

MANILA, Philippines — Asahan ang 5-10 porsyento pagdami ng mga sasakyan sa Metro Manila ngayong weekend dahil sa dami ng mga pagbiyahe patungo sa mga expressway, ayon sa Toll and Regulatory Board (TRB).
Sinabi ni TRB Spokesperson Julius Corpuz, simula na ang Biyernes ng hapon hanggang gabi ang pagsisikip ng trapiko dahil sa pagdagsa ng mga sasakyan palabas ng National Capital Region (NCR) dahil sa dami ng papauwi sa mga probinsya para magdiwang ng Pasko at Bagong Taon, kasunod ng mga idineklarang bakasyon.
Pinayuhan ang mga motorista planuhin ng maaga ang mga pagbiyahe.
Gayunman, hindi pa rin ititigil ang mga road expansion para matapos na sa lalong madaling panahon at agad na mapakinabangan.
May full deployment din ang mga concessionaires ng mga security, patrol vehicles, traffic management personnel at incident response teams para umalalay sa trapiko at emergencies.
May mga technicians din na naka-standby upang sumaklolo sakaling may aberya sa RFID lanes at karagdagang staff para sa mas mabilis na paggalaw ng pila sa toll lanes.
Aniya, inatasan ang mga toll operator na awtomatikong mag-alis ng mga harang kapag lumampas na sa 100 metro ang pila sa isang linya.
- Latest

















