^

Metro

Ayuda ng DSWD ‘kinupitan’, 14 barangay execs kinasuhan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Ayuda ng DSWD ‘kinupitan’, 14 barangay execs kinasuhan
Mismong si DSWD Sec. Rex Gatchalian ang nagtungo sa Ombudsman para magsampa ng administrative complaints, kabilang ang grave misconduct, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at sa Ethical Standards for Public Officials and Employees laban sa 14 barangay officials mula sa Jaro at Arevalo, Iloilo City.
STAR / Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Inireklamo na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the Ombudsman ang ilang barangay officials sa Iloilo City na sangkot umano sa anomalya ng pagkakaltas ng cash aid sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD.

Mismong si DSWD Sec. Rex Gatchalian ang nagtungo sa Ombudsman para magsampa ng administrative complaints, kabilang ang grave misconduct, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at sa Ethical Standards for Public Officials and Employees laban sa 14 barangay officials mula sa Jaro at Arevalo, Iloilo City.

Ayon kay Gatchalian, 14 na benepisyaryo ang nagreklamong nabawasan ang kanilang ayuda sa mga payout na isinagawa ng DSWD-AICS noong November 7, 11, at 12.

Sinasabing pare-parehas ang kuwento ng mga nag­reklamo na matapos matanggap ang P10,000 AICS cash aid ay pinilit silang ibigay ang P8,000 sa ilang opisyal kaya P2,000 na lamang ang natira sa kanila.

Hiniling ng DSWD ang preventive suspension ng mga sangkot na opisyal habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Tiniyak naman ni Sec. Gatchalian na titindigan ng ahensiya ang mga kasong isinampa, habang inihahanda na rin ang kaukulang criminal charges laban sa lahat ng responsable.

AICS

DSWD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with