^

Metro

PNP, ARTA nagpirmahan para sa serbisyo publiko

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagtibay ng Philippine National Police (PNP) at Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang kasunduan sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement (MOA) na layong mas maging epektibo ang operasyon at may integridad na serbisyo publiko.

Personal na pina­ngunahan nina PNP ­Acting Chief PLtGen. Jose Melencio C. Nartatez Jr. at PLtGen. Bernard C. Banac, ang MOA para sa PNP, habang pinirmahan naman ito ni Secretary Ernesto V. Perez, Director General, para sa ARTA. Dumalo rin sa seremonya si Undersecretary Geneses Abot, Deputy Director for Legal ng ARTA, kasama ang iba pang opisyal mula sa dalawang ahensya.

Binibigyang-diin ng MOA ang pagkakaisa ng dalawang ahensya upang palakasin ang mga mekanismo na magbabawas ng red tape, magpapasimple ng proseso ng gobyerno, at magbibigay ng katiyakan na ang serbisyo publiko ay mas mabilis, malinaw, at may pananagutan—lahat ay naayon sa bisyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa Bagong Pilipinas.

“This also gives the PNP an opportunity to strengthen coordination and streamline internal processes, so that every service we provide—whether licensing, documentation, or other public-facing functions—is faster, easier, and more accountable. Lahat ng Pilipino deserve ang gobyernong mabilis, maayos, at tapat.” ani Nartatez.

Ang kasunduang ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagtutulu­ngan ng mga ahensya, bilang patunay ng kanilang paninindigan na alisin ang hadlang sa gobyerno at maghatid ng mas mabilis, mas madaling ma-access, at mas epektibong serbisyo publiko.

ARTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with