^

Metro

‘Beast mode’ ni ex-Comelec Commissioner Rowena Guanzon, viral

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
‘Beast mode’ ni ex-Comelec Commissioner Rowena Guanzon, viral
Atty. Rowena Guanzon
File photo

MANILA, Philippines — Naging viral sa social media ang pagwawala ni dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Atty. Rowena Guanzon sa loob ng Rockwell mall sa Makati, Sabado ng gabi.

Ang pangyayari ay nag-ugat umano sa pagpapaalis kay Guanzon ng isang Chinese national dahil sa “contagious” umano ang kanyang pag-ubo sa maraming tao.

Sa puntong iyon, ay nag-init si Guanzon at nagsisigaw na may kasamang mura at panlalait sa Chinese national na may kasamang asawa na umagaw sa atensyon ng maraming shoppers.

Dahil sa ginawa umano ng dayuhan, naghain ng reklamo sa Makati City Police Station si Guanzon at nadismaya pa sa inasal ng Chinese national na pinag­dilatan pa umano siya ng mata kahit ang misis nito ay humihingi ng paumanhin sa kanya.

Nang babasahan na umano ng Miranda Rights si alyas “Chiong” ng police investigator ay itinakas ng lawyer, ani Guanzon.

Paliwanag ni Guanzon, isang beses siyang umubo dahil makati ang lalamunan niya nang sabihan siya na umalis sa mall.

“A...P... sya nga ang hindi taga Makati ako pa palalayasin nya, I told him if you are sick or afraid to get sick you should not be in mall. You have no right to tell me to leave. Kung makautos parang amo ko sya, Matapobreng hindi naman mayaman,” bahagi ng social post ni Guanzon.

CHINESE

GUANZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with