Belen Christmas stamp ng PHLPost, inilabas na
MANILA, Philippines — Inilabas ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang selyong pamasko nito para sa taong 2025 na isang Belen na idinesenyo ng in-house graphic artist na si Eunice Dabu.
Itinatampok ang disenyong naglalarawan kina Maria, Jose, at ang sanggol na si Hesus na kasama ang Tatlong Mago sa sabsaban, isang anghel at North star, na gabay sa paglalakbay ng tatlong hari.
Nagkakahalaga ng P100 ang selyo na may sukat na 50 mm x 35 mm na selyo at may mga espesyal na palamuting gintong foil.
“The Nativity Stamp is PHLPost’s tribute to the nation’s deep Christian faith. By showcasing the humble birth of Jesus Christ, we hope to remind every Filipino of the message of hope, humility, and love that Christmas brings,” ani Postmaster General Maximo Sta. Maria III.
Inilunsad ang selyo nitong Biyernes sa Kartilya ng Katipunan kasabay ng Christmas Tree Lighting ceremony ng lokal na pamahalaan.
- Latest















