^

Metro

300 Siklista sumabak sa ‘Pedal for the Planet’

Angie de la Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Halos 300 siklista at mga environment advocates ang sumabak sa “Pedal for the Planet” unity ride nitong Sabado sa Quezon City na nanawagan ng karapatan sa kalikasan, climate action at mas malakas na proteksiyon sa mga bulnerableng komunidad.

Ang aktibidad ay inorganisa ng Earth Island Institute Asia –Pacific sa pakikipag-tandem sa iba’t -iba’t civil society at cycling groups.

Naging tema naman ng aktibidad ang “Be a Hero for the Planet” na hinihikayat ang publiko na makilahok sa adbokasya para sa malinis na kapaligiran at isulong ang mobility, road safety at aksiyon ng komunidad.

Ayon sa grupo, bahagi rin ito ng paggunita sa Human Rights Day. Ang mga nagsilahok ay nagsipagbisikleta sa mga pangunahing kalye sa Quezon City bago nagtipon para sa isang maikling programa na itinampok ang iba’t-ibang mga organisasyon at mga lider ng naturang adbokasya.

Samantalang inihayag pa ng grupo na kaila­ngan ang idepensa ang pagproprotekta sa kapaligiran, linisin ang kapaligiran sa mga komunidad at gawing ligtas ang mga kalsada para sa mga siklista.

ENVIRONMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with