^

Metro

5 pulis sa P14 milyong robbery sa Pampanga, sibak!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Limang pulis sa Pampanga na sangkot sa umano’y pagnanakaw ng P14 milyon mula sa bahay ng isang private contractor sa Porac, Pampanga ang sinibak sa puwesto.

Kabilang sa mga suspek ang isang police major na station commander sa Angeles City, dalawang staff sergeant, at dalawang police corporal.

Ayon kay Police Regional Office-Central Luzon (PRO-3) director PBrig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr., standard procedure ang pag-relieve sa puwesto habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Lumalabas na nangyari ang insidente sa Brgy. Santa Cruz noong Nobyembre 25 ng gabi. Apat sa limang pulis na may takip sa mukha ang pumasok sa tahanan ng biktima. Kinandano nila ang biktima, pamilya, at mga bisita nito sa comfort room bago kunin ang kanilang pera. Bagama’t hindi nakita sa security footage ang police major, pinaghihinalaang siya ang mastermind ng pagnanakaw.

Napag-alaman ding tatlo sa mga suspek ang may derogatory records, kabilang ang sangkot sa shooting at robbery-extortion.

Bumuo na ang PNP ng Special Investigation Task Group (SITG) upang masusing siyasatin ang insidente.

Tiniyak ni Peñones na haharap sa mga kasong kriminal at administratibo ang sinumang pulis na mapapatuna­yang nang-aabuso sa kanilang kapangyarihan.

Pinamamadali naman si PNP Acting Chief PLt. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr. ang imbestigasyon upang matanggal sa serbisyo at makulong ang mga pulis na mapapatunayang nagkasala. 

PORAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with