^

Metro

18-anyos na lalaki hinataw ng baseball bat, comatose

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 18-anyos na lalaki ang nasa kritikal na kondisyon matapos na sagasaan at hatawin ng baseball ng kanyang nakaalitan habang bumibili sa tindahan sa Malabon City.

Ayon sa report, comatose ang biktimang si Guy Aldrin C. Gonzales, isang encoder at residente ng Brgy. Muzon, Malabon City matapos itong pagtulungan bugbugin at hampasin ng baseball bat noong Disyembre 1, 2025.

Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang Malabon City Police na kinabibilangan nina Pat. Emmanuel Angara at Pat. Mark Turaray ng Patrol Base 7 sa Brgy. San Agustin sa naturang lungsod at nadakip si alyas “John”, 24, na positibong itinuro ng testigo na siyang pumalo ng dalawang beses sa ulo ng biktima.

Nangyari ang insidente Lunes ng madaling araw sa Kagiti­ngan St. Brgy. Muzon matapos pagsabihan ng biktima ang suspek at kanyang mga kasama na huwag itutok sa kanya ang malakas na ilaw ng kanilang motorsiklo dahil nakakasilaw.

Nairita umano ang mga suspek kaya’t nag­hamon ng away at dahil nag-iisa, kinuha ng biktima ang isang baseball bat bilang depensa sa sarili, subalit mula sa likuran ay binundol siya ng motorsiklo ng isa sa suspek na kanyang ikinabuwal.

Dito na dinampot ni alyas “John” ang baseball bat at dalawang ulit hinataw sa ulo ang biktima na nagtangka ng tumakbong palayo.

Hinahanap pa ng pulisya ang iba pang kasamahan ng suspek na nauna ng sinampahan ng kasong frustrated homicide sa Malabon City Prosecutor’s Office.

MALABON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with