‘Pasaway’ binoga sa inuman, patay
MANILA, Philippines — Patay ang isang 31-anyos na lalaki nang barilin sa ulo habang nakikipag-inuman sa gilid ng kalye, sa Pasay City, Miyerkules ng umaga.
Idineklarang dead-on-arrival sa Pasay City General Hospital ang biktimang si alyas “Arvin”, residente ng Brgy. 184, Maricaban, Pasay City habang pinaghahanap pa ang suspek na si alyas “Markandre”, 18, residente rin ng lungsod.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Pasay City Police Station, dakong alas-4:52 ng umaga ng Disyembre 3, nang maganap ang pamamaril sa Orchids St., sa nasabing barangay.
Ini-report ng isa sa dalawang kainuman ng biktima na bigla na lamang sumulpot ang suspek sa likuran ng biktima at binaril ito bago tumakas sa direksyon ng St. Francis bitbit ang ‘di pa batid na kalibre ng baril.
Nakita din ang insidente ng pamamaril sa kuha ng CCTV ng nasabing barangay kaya mabilis na nakilala ang suspek.
Masyado umanong pasaway sa barangay ang biktima at walang pinipiling binibiktima sa pagnanakaw sa kanilang lugar kung saan nasangkot ito sa nakawan noong Lunes.
- Latest


















