^

Metro

PNP at CGHMC pinagtibay medical partnership

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PNP at CGHMC pinagtibay medical partnership
Kinatawan ni PMGen Constancio Chinayog, Jr., Director for Personnel Records and Management, si Acting Chief, PLtGen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr. sa isang seremonya na ginanap noong ika-19 ng Nobyembre 2025 sa CGHMC sa Sta. Cruz, Manila.
Philippine National Police Facebook page

MANILA, Philippines — Muling pinagtibay ng Philippine National Police (PNP) at ng Chinese General Hospital and Medical Center (CGHMC) ang ugnayan sa isang Memorandum of Agreement na nagsisiguro ng tuluy-tuloy na medikal na tulong para sa mga pulis na nasusugatan habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Kinatawan ni PMGen Constancio Chinayog, Jr., Director for Personnel Records and Management, si Acting Chief, PLtGen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr. sa isang seremonya na ginanap noong ika-19 ng Nobyembre 2025 sa CGHMC sa Sta. Cruz, Manila.

Binigyan-diin ni Chinayog ang kahalagahan ng patuloy na suporta para sa mga kawaning pulis alinsunod sa PNP Focused Agenda. Ang muling pagpirma sa MOA ay indikasyon na hindi nag-iisa ang pulis. Karapat-dapat makatanggap ng agarang, de-kalidad, at may malasakit na medikal bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at dedikasyon.

Pinasalamatan naman ni PNP Spokesperson PBGen. Randulf T. Tuaño ang CGHMC sa patuloy na suporta at pang-unawa sa mga pangangailangan ng mga pulis. “Ipinapakita ng partnership na ito ang tunay na halaga ng matibay na ugnayan sa pagitan ng komunidad at institusyon,” ani Tuaño.

Dumalo rin mula sa CGHMC at sa Philippine-Chinese Charitable Association, Inc. (PCCAI) ang kanilang mga kinatawan na sina Mr. Antonio Tan, Chairman of the Board; Dr. Benito Goyokpin, Honorary Chairman at Executive Committee Chairman; Mr. Kelly Sia, President and CEO; Mr. Alberto Tan Lee, Vice Chairman; Mr. Manuel Co, Vice Chairman; at Mr. Jameson Dy, Vice Chairman.

CGHMC

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with