^

Metro

Binata, todas sa tandem

Ludy Bermud - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 32-anyos na binata nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa labas ng kanyang bahay sa Pasay City, Martes ng gabi.

Sa ulat ng Pasay City Police Station, dakong alas-9:26 ng gabi ng Nobyembre 18, 2025 nang maganap ang pamamaril sa biktimang si alyas na “Pilo”, sa panulukan ng Tramo at Vergel Sts. ng nabanggit na lungsod.

Sa imbestigasyon, dalawang lalaki ang suspek na magka-angkas sa Honda Click 125, na ang driver ay inilarawang nakasuot ng long sleeves na blue, dilaw na helmet at gray na pantalon, habang ang backride ay puting pang-itaas, blue ang helmet at itim na pantalon.

Ayon sa kapatid na lalaki ng biktima, ginising niya ito dahil sa may dumating umanong parcel delivery.

Lumabas ang biktima at sinabihan ang delivery rider na wala siyang order at inaasahang delivery. Dito na sumulpot ang mga suspek at ilang ulit na pinaputukan ang biktima, bago tumakas sa direksyon ng Vergel St. patungong Cabrera St.

Tama ng bala ng baril sa ulo at katawan ang tinamo ng biktima.Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit idineklarang dead- on-arrival.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente kabilang na ang posibleng pagkakasangkot ng delivery ­rider.

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with