Vivamax model, namatay sa drug overdose?
MANILA, Philippines — Malaki ang posibilidad na namatay sa drug overdose ang Vivamax model na si Gina Lima nang matagpuan sa bahay ng kanyan dating kasintahang si Ivan Cezar Ronquillo sa Brgy. Apolonio Samsom, Quezon City.
Ito’y batay sa nakuhang mga illegal drugs sa crime scene ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Quezon City Police District- Forensic Unit sa pamumuno ni PMaj. Eric Angay Angay.
Nabatid na sa pagsisiyasat ng SOCO, narekober ang iba’t ibang capsules at tabletas at drug paraphernalias na kinabibilangan ng tatlong glass tubes na may bahid na yellowish liquid at maliit na grinder na may bahid ng marijuana (Kush).
Lumilitaw din sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD na galing sa isang party sina Lima at Ronquillo bago matagpuang wala ng buhay.
Linggo nang gabi nang mapansin ni Ronquillo na hindi na gumagalaw si Lima kaya nagpasya itong dalhin ang huli sa Quezon City General Hospital kung saan idineklarang dead-on-arrival bunsod ng cardio respiratory distress.
Dating magkarelasyon nina Lima at Ronquillo na nagkikita pa rin bagama’t hiwalay na .
Una nang sinabi ni CIDU chief PLtCol. Edison Ouano, na walang nakita strangulation o pasa ng pambubugbog sa katawan ng biktima.
Sumasailalim na sa autopsy ang bangkay upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay nito.
- Latest




















