PCG: Higit 6,600 indibidwal, istranded sa mga pantalan
MANILA, Philippines — Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na mahigit na sa 6,600 indibidwal ang istranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa bunsod ng epekto ng pananalasa ng Super Typhoon Uwan.
Sa abiso ng PCG, nabatid na hanggang 4:00AM hanggang 8:00AM nitong Linggo ay nasa 6,679 mga pasahero, truck drivers at cargo helpers ang istranded na sa 109 ports/areas sa bansa na apektado ng bagyo.
Istranded rin naman ang nasa 3,249 rolling cargoes, 82 barko at 23 motorbancas.
Samantala, mayroon rin namang 447 barko at 316 motorbancas ang nagkakanlong sa mga pantalan upang makaiwas sa hagupit ng bagyo.
Pinakamaraming istranded na indibidwal sa Bicol Region na nasa 2,575.
Sumunod naman ang Eastern Visayas na nasa 939; 894 sa Southern Tagalog; 758 sa Western Visayas; 662 naman sa Central Visayas; 549 sa Northern Mindanao; 210 sa Southern Visayas; 76 katao sa Central Luzon; at 16 sa Northeastern Mindanao.
- Latest
















