^

Metro

Magno nanumpa bilang NBI-OIC

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Magno nanumpa bilang NBI-OIC
Pinangunahan ni Santiago ang turn-over ce­remony sa NBI headquarters sa Pasay kasunod ng regular na flag raising ceremony.
PNA / File photo

MANILA, Philippines — Pormal nang nanumpa bilang officer in charge ng National Bureau of investigation (NBI) si Atty. Angelito Magno na uupo kapalit ng nagbitiw na si NBI director Judge Jaime Santiago.

Pinangunahan ni Santiago ang turn-over ce­remony sa NBI headquarters sa Pasay kasunod ng regular na flag raising ceremony.

Si Magno ay isang career officer  na nagsilbing imbestigador sa loob ng higit sa 33 taon at naging hepe ng NBI-Special Action Unit.

Naging Regional Director sa Regions III, I, IV-A, at X, kung saan pinangasiwaan nito ang malawak ng jurisdiction sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa kanyang pamumuno nakamit din nito ang malaking accomplishment sa pagkakasabat ng P3.8 bilyon halaga ng illegal na droga sa Pampanga at marami pang iba.

Namuno rin siya bilang hepe ng NBI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nangako naman si Magno na ipagpapatuloy niya ang nasimulan ni Santiago sa pamamagitan ng maayos at tapat na pamamahala sa ahensiya para sa bayan.

PORMAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with