Sekyu, todas sa rider
MANILA, Philippines — Isang security guard ang patay matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang rider kamakalawa ng hapon sa Quezon City.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Alison Malang, 32, ng Brgy. West Triangle, QC habang nakatakas naman ang suspek na rider.
Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente bandang alas-5:25 ng hapon nitong Linggo sa harap ng isang establisimyento sa Mindanao Avenue, corner Arty 2 St., Brgy. Talipapa, Quezon City.
Sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo patungong Caloocan nang tabihan ng suspek na sakay din ng motorsiklo.
Walang sabi-sabing binaril ng suspek ng tatlong beses sa dibdib saka agad na tumakas.
Nagsasagawa na ng backtracking sa CCTV ang pulisya upang malaman ang motibo at makilala ang suspek sa krimen.
- Latest
















