Ports modernization isinusulong ng DA

MANILA, Philippines — Patuloy na isinusulong ng Department of Agriculture na gawing moderno ang mga pangunahing fish port sa ilalim ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) upang baguhin ang mga tradisyunal na daungan ng isda tulad ng Navotas at maging modern-agri fishery business centers na magbibigay ng hanapbuhay, makaakit ng pamumuhunan, at magabayan ang mga bagong henerasyon ng negosyante.
Sa kanyang talumpati sa dalawang araw na Navotas Business Conference, tinawag ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang lungsod na “fishing capital” ng Pilipinas at tahanan sa isa sa pinaka-abala at pinaka-importanteng fish ports sa buong bansa,
Sinabi ni Tiu Laurel na sa gagawing modernisasyon ng PFDA, isasailalim sa upgrade ang mga pantalan, cold storage facilities, at logistics systems upang mas makasabay ang mga daungan o bagsakan ng isda.
Ang PFDA network ay pinapahusay upang mapalakas ang paglikha ng halaga - at matiyak na bawat kilo ng isdang ibinabagsak sa daungan ay maayos na mapangasiwaan, mapreserba at maibenta sa tamang presyo.
Pinangangasiwaan ng ahensiya ang mga pantalan sa iba’t ibang rehiyon at ang pagbabago ng 136 project locations sa ilalim ng Municipal Fish Ports Program.
- Latest
















