Manila LGU, may General Tax Amnesty
MANILA, Philippines — Inanunsiyo ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na magpapatupad ang city government ng General Tax Amnesty para sa mga taxpayers sa lungsod.
Sa kanyang Talk to the People, sinabi ni Domagoso na hindi dapat na paglagpasin ng mga taxpayers ang pagkakataon na makatipid sa buwis at samantalahin ang General Tax Amnesty.
Anang alkalde, ang schedule ng Discounts sa Real Property Tax ay simula Disyembre 10, 2025 para maka-avail ng 20% discount. Ang mga magbabayad naman ng Disyembre 11–29, 2025 ay makaka-avail ng 15% discount habang 10% discount naman ang maaaring ma-avail ng mga magbabayad mula Disyembre 30, 2025 hanggang Enero 31, 2026.
Paglilinaw naman ng city government, ang mga discount ay para lamang sa mga magbabayad nang buo ng kanilang amilyar at walang natitirang pagkakautang.
Dagdag pa nito, sa bisa ng City Ordinance No. 9118, hanggang Disyembre 31, 2025, saklaw rin ng amnesty ang Business Taxes and Fees; Real Property Taxes; Traffic Violation Receipts (OVR); Engineering Department-Related Fees; Professional Tax Receipt (PTR); Occupation Tax Receipt (OTR); Health Department-Related Fees at Zoning at iba pang related fees.
- Latest
















