^

Metro

Pulis na tirador ng convenience store, timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pulis na tirador ng convenience store, timbog
Batay sa report ng Quezon City Police District (QCPD), ang suspek na pulis ay nakatalaga sa DHSU, QCPD ay inaresto sa loob ng Camp Kari­ngal habang naka-duty bandang alas-9:35 ng umaga nitong Linggo.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang pulis Quezon City ang dinakip matapos na amining  siya ang nangholdap sa isang convenience  store noong Oktubre 23 ng madaling araw sa ­Quezon  City.

Batay sa report ng Quezon City Police District (QCPD), ang suspek na pulis ay nakatalaga sa DHSU, QCPD ay inaresto sa loob ng Camp Kari­ngal habang naka-duty bandang alas-9:35 ng umaga nitong Linggo.

Ang pagkakadakip sa pulis ay kasunod ng reklamo ng  7/11 na hinoldap ng suspek noong Oktubre 23 bandang ala-1 ng  madaling araw  sa Banawe St. ng nabanggit na lungsod.

Lumilitaw na hinoldap ng pulis ang convenience store at tinutukan ng baril ang cashier. Nakuha ng  suspek ang nasa P2,000 kita ng convenient store saka agad na tumakas sakay ng kanyang motorsiklo. Aminado naman ang suspek sa kanyang ginawa at sinabing nagsa-sideline siya bilang ride hailing app driver dahil sa problema sa pera.

Agad na dinisarmahan ang suspek at sasampahan ng kasong kriminal at administratibo.

DHSU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with