P77-K shabu nasamsam sa ‘tulak’ sa Pasig
MANILA, Philippines — Arestado ang isang 53-anyos na ‘tulak’ na nasamsaman ng mahigit P77,000 halaga ng shabu, sa Pasig City, Huwebes ng madaling araw.
Kinilala ni Eastern Police District (EPD) director PBrig. General Aden Lagradante, ang suspek na si alyas “Toto”, walang trabaho at residente ng Barangay Sumilang, Pasig City.
Sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang madakip ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang suspek sa kanilang lugar matapos magbenta ng 11.40 gramo ng shabu na may standard drug price na P77,520.00.
Narekober din ang marked-money na ginamit sa operasyon.
Kasalukuyang nakapiit sa Pasig City Police Station Custodial Facility ang suspek matapos isailalim sa inquest proceedings sa reklamong paglabag sa Section 5 (Selling of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) sa ilalim ng Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
- Latest
















