^

Metro

‘Terorista’ naharang sa NAIA – BI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
‘Terorista’ naharang sa NAIA – BI
Ayon kay Commissioner Joel Anthony Viado, na-detect ng APIS, ang pagkakakilanlan ng pasahero maging ang pagdating o pag-alis nito sa bansa subalit hindi muna ibinunyag ang ilang mga detalye dahil kailangan na munang kumpirmahin.
Bureau of Immigration Facebook page

MANILA, Philippines — Isang hinihinalang dayuhang te­rorista ang naharang mga tauhan ng  Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang maalerto ng Advanced Passenger Information System (APIS) ng kawanihan.

Ayon kay Commissioner Joel Anthony Viado, na-detect ng APIS, ang pagkakakilanlan ng  pasahero maging ang pagdating o pag-alis nito sa bansa subalit hindi muna  ibinunyag ang ilang mga detalye dahil kailangan  na munang kumpirmahin.

Sinabi ni Viado na ang APIS ay mahalagang gamit para protektahan ang bansa laban sa mga terorista o sindikato na nais na  gumawa ng  gulo. Ang APIS ay isang proyektong pinondohan ng Australian Government sa pamamagitan ng United Nations Office of Counter-Terrorism (UNOCT).

Ani Viado, ang hinihinalang terorista, na hindi inilantad ang pangalan, ay pinigil noong nakaraang linggo sa pagpasok sa bansa matapos makatanggap ng advance information ang APOC (APIS Operations Center) tungkol sa kanyang mga international records. Kasama ang dayuhan sa  blacklist ng BI.

Matatandaang noong Oktubre 4, hinarang ng BI ang pagpasok ng isang pugante sa Canada na kinilalang si Ripin Deep Takhar.

Dagdag pa ni Viado, ngayong buwan ay pinoproseso ng APOC ang 70.84% ng lahat ng paparating at papaalis na mga pasahero sa mga international port sa buong bansa, at 22 airline ang nagsusumite na ng advanced na impormasyon ng mga pasahero.

APIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with