80-anyos hinostage ng lasing na anak
MANILA, Philippines — Matagumpay na nailigtas ng pulisya ang isang 80-anyos na ginang matapos ang dalawang oras na pangho-hostage ng lasing na anak na lalaki, Sabado ng gabi sa Mandaluyong City.
Nagtamo ng trauma at kinailangang dalhin sa pagamutan ang biktima dahil sa atake ng takot at nerbisyos habang naaresto naman ang 53-anyos na suspek na anak ng biktima at nakumpiska ang ginamit nitong replica na baril.
Ayon sa ulat, naganap ang pangyayari sa bahay ng mag-ina, kung saan ikinulong sa kwarto ang biktima habang nakabantay ang suspek na may hawak na baril, sa Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City, gabi nitong Oktubre 18.
Nakahingi ng saklolo ng biktima nang makasilip sa balkonahe at nakarating sa mga barangay tanod, na nag-report sa Mandaluyong City Police.
Sinabi ni PCpt Juanito Arabejo,hepe ng Mandaluyong Police Sector 6, matagal nang nakakaranas ng pananakit ang biktima sa suspek kapag nalalasing.
- Latest






















