Wanted na CTG member arestado sa PNP
MANILA, Philippines — Isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa ilalim ng SRYG, SRC5, at BPRC ang naaresto sa ikinasang manhunt operation ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Albay Police Provincial Office, katuwang ang Police Regional Office 3 (PRO3) at iba pang ahensiya sa Brgy. Bonga Mayor, Bustos, Bulacan nitong Sabado, Oktubre 18.
Ang nadakip na si alyas “Zaldy” ay may kinahaharap na iba’t ibang kaso kabilang ang Attempted Homicide, Frustrated Murder, Murder, paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition), at Attempted Murder, batay sa mga warrant of arrest na inilabas ng iba’t ibang Regional Trial Courts sa Albay.
Ipinapakita ng matagumpay na operasyon na ito ang matatag na ugnayan at koordinasyon sa pagitan ng PRO3 at PRO5, bilang bahagi ng pagpapatupad ng Focused Agenda ng Acting Chief, PNP, PLtGen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., partikular sa ilalim ng Enhanced Managing Police Operations (EMPO).
Ayon kay PRO3 Regional Director, PBGEN Ponce Rogelio I. Peñones Jr., ang pagkakaisa ng mga yunit ng pulisya mula Albay at Bulacan ay susi sa epektibong pagpapatupad ng batas.
- Latest


















