Rider na holdaper huli sa paghu- huramentado
MANILA, Philippines — Nagsilbing susi ang paghu-huramentado ng isang motorcycle taxi rider na sangkot sa panghoholdap ng pasahero matapos itong arestuhin ng mga awtoridad habang naghahamon pa ng away gamit ang isang baril sa Taguig City nitong Sabado ng madaling araw .
Sa ulat ng Taguig City Police Station, ang suspek na si alyas “Anthony”, 26-anyos, residente ng Barangay Sta. Ana ay naaktuhan nilang nagwawala at nagsisisigaw sa kanto ng San Isidro St., sa Sanga Ville ala 1:25 ng madaling araw ng Oktubre 18.
Pinalibutan siya ng mga rumespondeng tauhan ni P/Capt. Darwin Salvador, hepe ng Station Investigation Section (SIS), kaya kusa nang kumalma at hindi na pumalag nang arestuhin na nakumpiskahan ng isang cal. 22 na baril.
Sa isinagawang beripikasyon ay tugma umano ang hitsura ni Anthony sa hitsura at deskripsyon ng pagkatao ng isang motorcycle taxi rider na kumakalat sa social media na nanghoholdap ng pasahero.
Ang reklamo sa mga post sa social media ay pawang mga babaeng pasahero na nabibiktima ng panghoholdap ng suspect sa kabila ng lehitimong ride hailing app diumano ang mga ito nagpa-book.
- Latest



















