^

Metro

Whistleblower hotline inilarga ng mga alkalde

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Kontra infrastructure corruption

MANILA, Philippines — Inilunsad ng ­Mayors for Good Governance (M4GG) ang isang nationwide initiative na tinatawag na ‘REPORT INFRA’ upang labanan ang katiwalian sa mga proyektong pang-imprastraktura ng gobyerno.

Ang programa ay nagpapahintulot sa mga mamamayan na mag-ulat ng mga ghost project, substandard na mga gawa, o overpriced na mga kontrata simula Oktubre 16, 2025. Maaaring isumite ang mga ulat sa pamamagitan ng telepono sa pamamagitan ng (02) 8459-0143 mula Lunes hanggang Biyernes, 9 a.m. hanggang 4 p.m., o online sa bit.ly/reportinfraph at mayorsforgoodgovernance.ph/reportinfraph.

Sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto, isa sa mga convenors, na ang inisyatiba ay naglalayong bigyan ng kapangyarihan ang mga Pilipino na ma­kibahagi sa paglaban sa katiwalian sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang ligtas na channel para sa mga whistleblower na magbahagi ng verified informations o ebidensya.

Aminado naman si Baguio City Mayor Benjie Magalong, isa ring M4GG convenor, na nananatiling malaking hamon ang katiwalian na nangangailangan ng partisipasyon ng mamamayan.

Ang mga report ay susuriin ng technical at legal team sa pakiki­pag-ugnayan sa M4GG at ipadadala sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) para sa imbestigasyon.

Sinabi naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, isa rin sa mga convenor ng M4GG, na binubusisi na ng mga alkalde na kanilang miyembro ang mga proyektong isinasagawa ng DPWH sa kanilang mga lugar mula noong 2015.

Matatandaang isang katulad na crowdsour­cing platform ang ini­lunsad ng Office of the President noong ­Agosto-ang sumbongsapangulo website-kung saan pinapayagan din ng platform ang publiko na tingnan ang katayuan ng at mga ulat na may kaugnayan sa maanomalyang flood control works.

M4GG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with