PNP, alerto sa kada Friday protest vs korapsiyon

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na naka-alerto sila sa mga Friday protest ng iba’t ibang progressive group sa buong bansa kasunod ng panawagan ng ilang organizer ng Trillion Peso March sa publiko na makiisa upang labanan ang korapsiyon sa bansa.
Ang paniniyak ay ginawa ni PNP Acting Chief PLtGen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr., kasunod ng kanilang ginawang paghahanda kahapon sa ikinasang kilos protesta.
Nanawagan ang Trillion Peso March na magsuot ng puting t-shirt, puting headband at puting wristband na pagpapakita ng kanilang pagkondena sa talamak na katiwalian sa gobyerno.
Sinabi ni Nartatez na patuloy ang kanilang monitoring at paghahanda lalo na sa Nobyembre 30 kung saan inaasahan ang malaking pagtitipon ng mga cause oriented groups.
Bahagi ng paghahanda ng PNP ay ang pagtitiyak na walang rioter na makapanggugulo gaya nang nangyari noong Setyembre 21 nang ginamit ang isang grupo, kabilang ang mga menor-de-edad para magpasimula ng gulo at karahasan.
- Latest



















