^

Metro

‘Source’ ng solvent: 2 vendor sa Maynila, timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadakip sa joint operation ng Manila Department of Social Welfare(MDSW) at Manila Police District (MPD) ang dalawang vendor  sa Recto, Maynila na itinuturong ‘source’ ng  solvent ng mga Solvent Boys sa Binondo at Tondo.

Ayon kay MDSW Director Jay Dela Fuente, ikinasa ang operasyon at naaresto ang dalawang babaeng vendor na nasa edad 34 at 36 sa center island sa Recto, Maynila.

Bago ito, nabatid na nakatanggap ng  reklamo  si dela Fuente mula sa mga nagsisimba sa St. Joseph Parish sa Gagalangin, Tondo na nagkukumpulan ang mga solvent boys sa  harap ng  simbahan.

Agad na kumilos ang MSWD katuwang ang MPD at dinala ang tatlong menor-de-edad na nagturo naman sa mga suspek na noo’y nasa nagtitinda ng mga gulay sa Recto. Nakuha sa mga ito ang nasa 8 litro ng solvent.

Ayon kay dela Fuente, nakakabahala ang mga solvent boys dahil humahantong aniya ito minsan sa pananakit. May nakarating sa kanyang impormasyon na nanlalaslas o nanghihiwa ang mga solvent boys kung hindi magbibigay ng barya ang kanilang hinihingan.

“Sa takot na masugatan o mahiwa ka magbibigay ka na lang”, ani dela Fuente.

Aniya, ang mga nasagip na solvent boys ay ilang metro lamang ang layo mula sa MPD Gagalangin-PCP.

Samantala, nananawagan ang pamunuan ni Dela Fuente sa mga magulang na may kaha­lintulad na problema sa kanilang anak na agad na ipagbigay alam sa kanilang tanggapan.

SOLVENT BOYS

VENDOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with