PUV modernization tuloy – LTFRB

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Teofilo Guadiz III na tuloy na tuloy ang pagpapatupad ng Public Transport Modernization Program (PTMP) para sa lahat ng pampasaherong sasakyan sa bansa.
Ayon kay Guadiz, nanatiling top priority ng ahensya ang pag-reporma sa mga pampublikong sasakyan nationwide kasabay ng kanilang paghahanap ng paraan para hindi maantala ang implementasyon ng modernized transport system.
Aniya, nakikipag-ugnayan ang LTFRB sa government financing institutions para makapag-loan ang mga operators ng modernized jeepney fleets.
Aminado si Guadiz na kailangan ng sapat na panahon para sa pagreporma, pero kailangan na aniyang maipatupad ito para sa long-term solutions sa sektor ng transportasyon.
Tinitiyak ni Guadiz sa publiko at sa transport groups na lahat ng desisyon ng LTFRB ay dumadaan sa masusing technical, legal, at financial evaluation.
- Latest

















