^

Metro

Publiko ligtas na sa Osmeña Highway – Isko

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na mas ligtas na ang mga motorista at publiko na bumaybay sa kahabaan ng Osmeña Highway.

Ang paniniyak ay ginawa ni Domagoso, kasabay ng ginawang pagpapa-ilaw sa mahigit apat na kilometrong kahabaan ng Osmeña Highway.

Eksakto ala-1 ng madaling araw kahapon, Huwebes nang pangunahan ni Domagoso ang pagpapailaw sa Osmeña Highway

Kasama sina Vice Mayor Chi Atienza, mga konsehal at ilang department heads.

Ang pagpapailaw ay sumasaklaw mula sa boundary ng Makati City sa Zobel Roxas Street, dumaraan sa San Andres, President Quirino Avenue, A. Linao Street, Pedro Gil Street, Plaza Dilao, at Plaza Azul hanggang sa West Zamora.

Layunin ng proyektong ito na masiguro ang kaligtasan, kaginhawaan, at mas maayos na biyahe ng mga motorista at dumaraan sa naturang kalsada.

Maraming salamat sa San Miguel Corporation sa donasyong 1,162 piraso ng LED tunnel light na may tig-24,000 lumens bawat isa.

FRANCISCO “ISKO MORENO” DOMAGOSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with