^

Metro

2 bebot dinukot, ginulpi saka ikinulong sa hotel

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang babae ang dinukot, piniringan at binugbog ng tatlong lalaki na kanilang nakilala sa isang food chain saka sila ikinulong sa isang hotel at isinama pa sa kanilang pagtakas ang isa sa mga biktima, sa Pasay City, Martes ng madaling araw.

Sa ulat ng Pasay City Police Station, isa sa mga suspek ang naaresto na si alyas “Ryan”, 39-anyos, residente ng Pasay City habang tinutugis ang dalawa pa na sina alyas “Armar”, 38, ng Taguig City at isang “John Doe”.

Nasagip ang si alyas “Editha”, 33-anyos, ng mga tauhan ng Pasay Substation 1 sa pangunguna ni P/Captain Dennis Desalisa at pinaghahanap pa ang kasamang si alyas “Kylie”, 34, na tinangay ng dalawang suspek na tumaks sakay ng Toyota Fortuner (AQA 8269).

Sa inisyal na imbestigasyon, alas-5:40 ng umaga ng Set. 23 nang dumating sa isang hotel ang tatlong suspek sakay ng Toyota Fortuner kasama ang dalawang biktima. Gayunman, hindi pa nagtatagal ay lumabas ng hotel si Armar pero base sa hotel policy, agad pinuntahan ang silid na naging daan upang matuklasan na may komosyon sa loob. Dito, sapilitang binuksan ang silid at tumambad ang duguang si Editha kaya agad na tumawag ng pulis at naaresto si Ryan.

Sa kuwento ni Editha, alas-2:30 ng madaling araw, habang nasa isang food chain sa Makati City silang magkakaibigan kasama si Kylie nang lapitan sila ng tatlong suspek at inimbitahan na mag-inuman. Pinasakay sila sa dalang SUV ng mga suspek at naglibot sa Makati area. Naramdaman umano nila ang kakaibang kilos at sa takot ay nagpaalam na ibaba sila subalit sila’y piligilan.

Nag-video si Kylie na ikinagalit ng mga suspek kaya inagaw ang CP nito at dinelete ang video. Sapilitang kinuha rin ang cellphone ni Editha at nag-transfer umano ng P18,000 sa online banking saka sila piniringan at binugbog habang nasa loob ng sasakyan. Muling silang nag-transfer ng P3,000 sa online banking at saka sila dinala sa hotel.

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with