^

Metro

UP studes, sumiklab ang galit sa korapsyon sa gobyerno

Angie dela Cruz, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
UP studes, sumiklab ang galit sa korapsyon sa gobyerno
Nilahukan ng nasa 2,000 estudyante, faculty at personnel ng University of the Philippines (UP) ang ‘Black Friday Protest’ upang ipakita ang kanilang pagkondena sa talamak na korapsyon sa pamahalaan.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng galit ang nasa 2,000 estudyante ng University of the Philippines (UP) sa nangyayaring korapsyon sa pamahalaan partikular na sa flood control projects sa bansa na ipinakita sa isinagawang “Black Friday” protest kahapon.

Ayon kay University Student Council chairperson Joaquin Buenafalor, nakadidismaya ang malawakang korapsyon sa bansa dahil ang taumbayan ang siyang  lunod sa sistema.

Kabilang sa isinisigaw ng mga estudyante ay ang CAL Faculty Center, isang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nanatiling hindi kumpleto pagkatapos ng mahigit 8 taon dahil sa umano’y katiwalian.

Bukod sa flood control projects, ikinagagalit din ng mga estudyante ang hindi maayos na  social services ng pamahalaan tulad ng edukasyon at kalusugan.

“Definitely, lunod sa katiwalian habang nananatili ang control ng bureaucrat at capitalist sa ating pamahalaan. Habang nananatili ang control ng mga political dynasty, mananatiling baon o lunod sa korapsyon ang bansang Pilipinas.” pahayag ni Buenaflor.

Samantala, sa kabila nito, sinabi  ni PNP Public Information Officer Chief BGen. Randulf Tuano na peaceful  ang ikinasang kilos protesta mula pa nitong Huwebes at kahapon batay sa kanilang monitoring sa rally.

Una nang nagpahayag ng suporta ang UP Chancellor sa ‘Black Friday’ protest para kondenahin ang korapsyon sa gobyerno.

CAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with