MMDA gagamit na ng mga Body-Worn Camera

Implementasyon ng NCAP
MANILA, Philippines — Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paggamit ng mga body-worn cameras para suportahan ang pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP), sa pamamagitan ng bagong nabuo nitong Swift Traffic Action Group (STAG).
Ayon kay MMDA Chairman Don Artes, ang inisyatiba ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng ahensiya na magpatibay ng mga makabagong teknolohiya na nagbibigay-daan para sa mahigpit na pagpapatupad ng mga patakaran at regulasyon sa trapiko.
Layon din nitong mabawasan ang direktang interaksyon at potensyal na pagtatalo sa pagitan ng mga motorista at traffic enforcer sa panahon ng road clearing operations.
Binanggit din ni Artes ang MMDA Resolution No. 16-01, Series of 2016, na nagpapahintulot sa paggamit ng mga digital camera, CCTV, at/o iba pang bagong teknolohiya sa pagpapatupad ng mga patakaran sa trapiko gaya ng NCAP.
Ang mga tauhan ng STAG na sumailalim sa pagsasanay, sa pamumuno ni Traffic Operations Officer IV Edison “Bong” Nebrija, ay nilagyan ng mga body-worn camera na naka-link sa MMDA Communications and Command Center upang matiyak ang real-time na monitoring at dokumentasyon ng on-ground operations.
Nilinaw ni Artes na hindi magkakaroon ng overlapping ng mga function sa pagitan ng dalawang grupo. Nakatuon ang STAG sa no-contact apprehension gamit ang mga body camera, habang ang SOG-TFRC ay nilagyan ng mga tow truck kung kinakailangan para sa clearing operations.
- Latest





















