Zoning requirements 7 na lang – Isko

Mula 22
MANILA, Philippines — Mababawasan na ang hirap ng mga kukuha ng zoning permit sa Manila City hall simula ngayon matapos na ihayag ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, na 7 requirments na lamang ang isusumite ng mga aplikante mula sa dating 22.
Bilang chairman ng Manila Zoning Board of Adjustment and Appeals (MZBAA), tinanggal ang ilang mga rekisitos at maipakita ang layunin ng pamahalaan na ‘ease of doing business’.
Sa ilalim ng Zoning Ordinance maaari na lamang isumite ng mga aplikante ng zoning permit ang notarized application form; notarized affidavit of undertaking; valid government ID ng may-ari ng lugar; barangay permit; proof of ownership kabilang ang transfer certificate of title; lot plan na may detalyadong vicinity map at architectural plans at dapat naka sealed. Para naman sa renovation at pagdadagdag ng floors, kailangan din ang plano para dito.
Inanunsiyo rin ni Domagoso ang iba pang board-approved adjustments para sa ilang mga requirements sa nag-aapply sa lungsod alinsunod sa MZBAA.
Sa halip na 15 requirements, 5 dokumento at requirements na lamang ang isusumite ng aplikante na kinabibilangan ng letter of intent na naka-address sa City Mayor sa pamamagitan ng City Planning and Development Office; company profile; barangay resolution; visible project sign at certifications mula sa utility providers.
Matatandaang sinabi ni Domagoso sa kanyang inaugural address noong Hulyo 1, 2025, na tatanggalin niya ang red tape at korupsiyon sa city planning at zoning offices kasunod ng sandamakmak na reklamo.
“Tapos na ang kawalanghiyaan at pang-aabuso sa City Planning at Zoning Department simula ngayong araw na ito!” ani Domagoso.
“Let us demonstrate, through deeds not words, through actual service not posters on the wall, that there is indeed ease of doing business in Manila,” dagdag pa ng alkalde.
- Latest




















