^

Metro

Vintage bomb, nadiskubre sa imburnal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang vintage bomb ang nadiskubre habang nagsasagawa ng declogging sa isang drainage sa Sampaloc, Manila kahapon ng umaga. 

Batay sa ulat ng Sampaloc Police Station 4 (PS-4) ng Manila Police District (MPD), nabatid na dakong alas-10:35 ng umaga nang madiskubre ang naturang vintage mortar sa imburnal na matatagpuan sa Negros St., kanto ng Visayan St., sa Sampaloc.

Nauna rito, nagsasagawa umano ang mga tauhan ng subcontractor na Eight J ng declogging operation sa drainage system sa naturang lugar, nang madiskubre nila ang naturang bomba.  

Kaagad naman umano nila itong ini-report sa mga pulis upang maimbestigahan.

Narekober naman ng mga pulis sa lugar ang bomba na may sukat na 60 milimetro at intact ang safety pin.

BOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with