^

Metro

Mister, tinodas habang natutulog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang mister ang patay nang pagsasaksakin ng lalaking una na niyang nakaalitan matapos na sitahin sa Ermita, Manila kamakalawa ng gabi.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si alyas “Boyet”, 32, bunsod ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang ­naaresto ­naman ang 35-anyos na suspek na si alyas “Larry”, na aminado sa nagawang krimen.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD), alas-10 ng gabi nitong Martes nang maganap ang krimen sa San Marcelino St. sa Ermita, Maynila kung saan pinagsasaksak ng suspek ang biktima habang natutulog.

Ayon sa salaysay ng live-in partner ng biktima, magkakatabi silang natutulog sa bangketa nang biglang lumapit ang suspek saka mabilis na tumakas.

Nakilala naman umano ng anak ng biktima ang suspek kaya’t naituro sa mga awtoridad na nagresulta sa agarang pagkakadakip dito sa Paco Park.

Lumitaw sa imbestigasyon na bago ang krimen ay dati nang may alitan ang dalawa nang sitahin umano ng biktima ang suspek habang nagpapahinga at pilit na pinapaalis sa bangketa. Nauwi pa umano ang naturang insidente sa suntukan.

Ayon sa suspek, nag-ikut-ikot siya ng Martes para ibenta ang kanyang cellphone para may maipambili ng pagkain, hanggang sa mapunta siya sa San Marcelino para magpahinga sana. Ngunit pilit umano siyang pinaalis ng biktima, hanggang sa nauwi ito sa kanilang suntukan.

Pinalo pa umano siya ng biktima ng tubo sa kaniyang ulo at hita. Matapos nito, kumuha pa umano ng martilyo ang biktima. Ito na ang nagtulak sa kanya para planuhing paslangin ang biktima.

Narekober naman ng mga pulis mula sa suspek ang patalim na ginamit sa krimen, na tinangka nitong itago matapos na ibaon sa ilalim ng isang puno.

Nakapiit na ang suspek at mahaharap sa kasong murder.

MANILA

ERMITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with