Tulfo sa Ombudsman: Motu Proprio Power gamitin vs flood control anomaly
MANILA, Philippines — Umapela sa Office of the Ombudsman ang journalist na si Ben Tulfo at Founder ng IpaBitag Mo Inc. (IBMI) na gamitin nito ang kanilang Motu Proprio power upang imbestigahan ang talamak na isyu ng flood control projects at mga sangkot dito.
Sa ginanap na press conference, sinabi ni Tulfo na bilang Founding Chair at volunteer-advocate, panahon na upang kumilos si Ombudsman Mariflor Punzalan-Castillo bagamat Acting Ombudsman pa lang ang kanyang posisyon.
Ani Tulfo, dapat na may initiative si Punzalan-Castillo kung nais nitong lumitaw ang katotohanan kung sinu-sinong contractor, congressman, senador at government officials ang sangkot sa bilyong flood control projects.
Aniya, mismong ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang nagbunyag ng anomalya matapos ang ilang inspeksiyon sa “guni-guning” flood control projects.
Tinawag ni Tulfo ang ghost flood control projects na “worst corruption scandal” sa bansa.
Tiniyak naman ni Tulfo na magiging tagapagmasid ang IBMI laban sa iba’t ibang katiwalian at pang-aabuso kasama sina IBMI legal counsel Atty. Rean Balisi, Atty. Alex Lopez, spokesperson Atty. Batas Mauricio, Apple Meneses, bilang executive director at Charmaine Mateo, media partner.
- Latest















