^

Metro

Sekyu nalunod sa La Mesa Dam

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Sekyu nalunod sa La Mesa Dam
Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng ­Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-2:30 ng madaling araw nitong Linggo, nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Eduardo Balinang Padre ng Tondo, Maynila sa likuran ng Guesthouse, La Mesa Dam, Brgy. Greater Lagro, Quezon City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay na at palutang-lutang  nang matagpuan ang 56-anyos na security guard ng kanyang mga kasamahang guwardiya sa La Mesa Dam kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng ­Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-2:30 ng madaling araw nitong Linggo, nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Eduardo Balinang Padre ng Tondo, Maynila sa likuran ng Guesthouse, La Mesa Dam, Brgy. Greater Lagro, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PSSg Bennette Stephen, nagsasagawa ng roving inspection ang kasamahan ng biktima na si Renie Tallada nang mapansin na wala sa kanyang puwesto si Padre.

Hinanap umano ni Tallada si Padre, kasama ang iba pang security guard hanggang sa makita nila sa likod ng guesthouse ang katawan ng biktima na nakalutang sa La Mesa Dam.

Agad na iniulat sa mga awtoridad ang insidente at nagresponde ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) at naiahon ang bangkay ng biktima mula sa La Mesa Dam.

Nabatid na ang biktima ay naka-duty sa La Mesa Dam Guest House mula alas-6 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga, at huling nakitang buhay bandang alas-5:30 ng umaga nitong Sabado (Agosto 23), habang nasa kanyang formation.

LA MESA DAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with